Yeheyyyy! Finally I can write my new entry, after a week? Hmmm. I promised this to my blockmates, that I will make a blog about the upcoming election. So here it is, but first. Since this about the election of our beloved country, the Philippines. I will use our own language na, nakakanose-bleed din pati kasi mag-English. Joke, okay okay enough of that, time to get serious...
* It will be very much appreciated if you'll leave a comment after you read my entry. Thanks! *
Mayo 10, 2010, araw kung saan magreresulta ng pagbabago, maaring maging mabuti o hindi. Maaring umunlad o lalong lumagapak ang ating bansa. Sa tingin nyo ba, handa na kayo? Kayong mga maari nang bumoto. Sa tingin nyo ba, karapat-dapat bang iboto talaga ang inyong mga pato? Kung hindi, sige isa-isa nating usisahin ang mga kandidato sa pagkapangulo at sa pangalawang pangulo. Pero hindi ako magbibigay ng mga pangalan, dahil alam kong maaring lumabag iyon sa batas ng ating bansa, at para maging obhetibo ang blog na ito. Unahin nating ang mga kandidato sa pagkapangulo.
#1
Ang kandidating eto, ewan ko kung bakit siya tumatakbo. Sa aking pagkakaalam pangalawang beses na siyang tatakbo. Di naman sa sinasabi kong wala siyang kakayahan. Oo malakas nga ang kanyang pananampalataya sa Diyos, pero ewan ko. Para kasing mahirap pagsabayin ang pulitika at relihiyon.  Kung sana pumili nalang siya ng sa tingin niya ay magiging mabuting pinuno, at gamitin ang kanyang charisma upang suportahan siya ng taong bayan, ay mas mabuti. At tsaka isa pa, wala siyang karanasan para sa posisyong iyon, kaya mahirap sabihing kwalipikado siya.
#2
Sino ba siya? hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakilala. sa aking pagkakaalam isa siyang councilor? Tama ba? Councilor - Pagkapangulo? Hindi ata magandang ideya yun.
#3
Siya magandang paliwanag sa maling desisyon ng taong bayan sa pagboto. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nitong kandidatong ito. Baliw ba o sadyang tanga lang?? Paumanhin sa paggamit ng masamang salita, pero hindi ko kasi maiwasan tuwing napag-uusapang tong taong to. Sa pagkakalam ko nga, hindi na pede tumakbo sa kahit anong posisyon itong taong to eh. Dahil sa kanyang mga naging kaso, nabigyan lang naman ng Presidential Pardon kaya nakalaya to. Alam mo, kahit kaibigan kita 'pag nalaman kong iboboto mo to. Ahhh, kakalimutan kong kaibigan kita at tatanggalin ko ang kaluluwa mo dahil sa katangahan mo.
#4
Siguro kung hindi eto, isa itong kandidatong ito sa pinakamalakas at kilalang kandidato sa pagkapangulo. Alam mo, sa totoo lang, maganda kasi yung mga kantang ginagamit nya sa mga TV ads nya. Kahit sino mapapakanta, pero hindi aman kasi yun ang tinitignan sa pagpili ng mabuting pangulo eh. At alam ko, matunog ang pangalan nito, dahil sa dami ng bilang ng kasong kanyang kinasasangkutan. Lalo na yung 'c-5 road project'. Ang alam ko kasi yung proyekto iyong ay dadaanan ang mga pribadong pagmamay-ari at ibig sabihin non, kailangang bayaran ng gobyerno yung may mga mag-ari nito. At alam nyo bang, karamihan sa mga lupain dun ay pagmamay-ari nitong kandidationg ito??? Ibig sabihin malaki ang kanyang kikitain sa proyektong iyon.
#5
Si kandidato #5 masasabi ko ang pinakamatalino sa mga tumtakbo sa pagkapangulo. Ang nakikita ko lang na mali sakanya ay, mali siya ng partido. Kaya malabo siguro kung manalo siya kahit pa sabihin nating malinis at matalino siya.
#6
Sino bang hindi nakakakilala sa taong ito? Galing sa kinikilalang pamilya, mabubuting magulang, maaring bayani narin. Kapatid na laging nagkakaroon ng isyu pero may mabuting puso parin. Galing sa pamilyang malaki ang natulong sa bansang ito. Pero dapat tanggalin natin ang 'family background' at dapat tignan siya bilang indibidwal. At kung gusto talaga niyang makatulong talaga sa ating bansa, dapat ay may pagkukusa at hindi dahil sa napilitan lamang tumakbo dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.
#7
Kandidato #7, malaki ang naitulong sa 'Clark Airbase' , Responsable sa 'Wow Philippines'. Turismo para sa kanya ay magandang hakbang para umunlad ang bansa. At maaring tama nga siya, dahil pinagmamalaki ang yamang atin. Siguro isa na siya sa ang masasabi nating pinakamaraming nagawa para sa bansang ito. Pero 'Under the radar' kasi siya at hindi nabibigyan ng 'credit'. Bagay na bagay ang kanyang 'monicker' na 'Transformer'.
Ngayon aman dito tayo sa mga tumatakbo sa bise-presidente.... Alam mo masasabi ko lang hindi ganun kaganda yung 'pool' ng tumatakbo bilang pangalawang pangulo....
VP#1
Ningas-Kugon, sa una lang magaling pero pag matagal na ay hindi na aktibo. Simple laang, gusto nyo bang dumating yung panahon na sabihin niya na, ' Gan'to kami sa Pilipinas? '
VP#2
May magulang naman tayo, may nanay naman tayo, may kaibigan. Bakit ka pa magpapaalaga sakanya? Isa pa, kababaihan lang naman tutulungan nito eh. Diba? Pano naman ang tayong mga kalalakihan?????
VP#3
Sikat, matalino, magaling na aktor (noon) at naging magaling na Sekretarya sa OMB, pero masyado pang hilaw para sa posisyong ito. Dapat hindi ka nalang sana nagpapilit. Mas masisiyahan siguro ang taong bayan sa iyong 'papaya dance'
VP#4
Kabilib sana nung sinabi niyang bibigyan nya nalang ng daan ang pagkapangulo para kay P#6, pero sana lang totoo yun. Dahil naging mautak lang siguro siya dahil sa totoo, alam naman niyang hindi siya mananalo kasi dun. At isa pa, hindi magandang ehemplo ang isang pulitikong may pinag-aralan nagmumura sa publiko. Diba??
Vp#5
Palaban, matapang. Yun nga lang, bakit 'pink' ang paboritong kulay, siguro pag tinignan mo ang Pilipinas sa mapa o mula sa buwan. Ay kulay pink na. Hehehehe. Pero, kung pagbabago lang din ang usapan, siya na ang may pinakapotensyal.
Ayuun hindi ko na kilala yung ibang kandidato sa VP. Masyadong maraming kandidato para sa pagkasenador, kaya hindi ko na iisa-isahin. Mgbibigay nalang ako nga mga taong alam kong may potensyal at masasabing kwalipikado. Bibigay ko na ang pangalan nila sa pagkakataong ito, dahil hindi na masama.
-Ralph Recto, alam natin hindi siya nanalo bilang senador noong nakaraan eleksyon, dahil marami ang nagalit nun ipatupad niya yung E-VAT.  Hindi kasi marunong umintindi yung mga tao eh, maganda ang intensyon niya kaya nga lang marami lang talagang umaabuso sa kaban ng bayan. Kung hindi sana nanakaw yung mga nalikom mula sa buwis, sana umunlad na tayo.
-Lacson, hindi si Panfilo, nakalimutan ko lang kasi yung unang pangalan niya. May-akda ng librong,  '12 little things we can do to this country' Basahin nyo, ng maintindihan nyo kung bakit ko siya kinikilalang kwalipikado sa pagkasenador.
Sila lamang ang sa tingin kong pede, dahil yung iba naman parang paulit-ulit nalang. Wala ng bago. Siguro iniisip nyo bakit parang ang dami kong alam, ano bang alam ko sa pulitika? Masasabi ko naman, maaga akong namulat sa larang ng pulitika, dahil sa murang edad pa lamang, nagsimula nakong makinig sa mga pananaw ng iba, at malaki ang naitulong ng aking mga naging guro, lalo na si Ginoong Bernard Legarte. Ang aking guro sa ekonomiks noong ako'y 4th year, at naging guro ko noong 1st year sa 'Philippine History' kahit isang markahan lang. Napakarami kong natutunan sakanya, at ako'y buong pusong sumasaludo sakanya.
Alam nyo, isang beses lang kayo boboto sa lob ng tatlo o anim na taon( maaring humigit pa ), isang botong makapagbabago sa ating bansa para sa atin at sa mga susunod pang henerasyon. Sana gamitin nyong mabuti yung pribilehiyo nyo sa pagboto, at pag-isipang mabuti bago bumoto.
Si Juan daw ay unggoy, Indio, mangmang, Utusan, Silaw sa kayamanan, walang alam, mababang klase ng tao, pinakacorrupt na bansa. Lahat yan naririnig natin sa mga iba't-ibang tao. Ako ayoko ng marinig pa, pero hindi pako makakaboto, kaya kung kayo ayaw nyo na rin yan marinig, sana alam nyong kayo ang may hawak ng ating kinabukasan, at ang may kakayahang..
*Para pala to kila Dave John Salamanca at Bernard Legarte, aking mga coffee mates at mga kadebate pagdating sa aming mga pananaw sa nalalapit na eleksyon. Sa 1APH, soon to be 2APH, sa aking family, lalo na sayo Arianne Mae Dalangin, sayang di man lang kita nakita, utang ko sayo buhay ko at promise ko di ko sasayangin to. I love you ate! :(((
Monday, March 29, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

ang haba naman nito..but don't worry.. I'll make time to read this.. =)
ReplyDelete